Talambuhay
Isang libo, siyam na raan, siyam napu’t dalawa
Sanggol na isinilang sa pamilyang nakaabang
Labing apat na araw mula sa simula ng buwan
Bata na sumaya sa pagmamahal ng ina
Ika-sampung buwan ng taon
Dalaga na inakay ng mapagkalingang ama
Mga piraso ng papel ang pinalipad sa hangin
Mga ala-ala ng kabataang natangay ng unos
Isang larawang matagal nang kinunan
Ngunit unti-unti nang kumupas
Nakita, pinulot, tinago, pinagkaingat-ingatan
Ang piraso ng larawang napadpad sa kawalan
Mahigpit ang kapit sa pamilya sa kaliwa
Sa kana’y ang nakaraan ay pilit hinahawakan
Ulo’y diretsong nakatingin sa liwanag
Nakatutok ang hakbang sa bagong daanan
Ang utak ay malinaw, isa lamang ang iniisip
Ang puso ay nag-aalab sa apoy ng pangarap